Abante Tonite Interactive

Eddie nakamatayan ang huling eksena kina Dennis, Janno, Andrew

566

Proud na proud and very honored ang tatlong bida ng “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo” na sina Dennis Padilla, Janno Gibbs and Andrew E. na ang last movie ng yumaong maga-ling na beteranong aktor na si Eddie Garcia ay itong comedy film nilang ito.

Kuwento ni Dennis, ginagawa ni Tito Eddie ang pelikula nang maaksidente ito.

“Actually, siya ‘yung pina-villain namin. ‘Yung last day namin siyang kasama, that was a Wednesday, tapos, naaksidente siya, Saturday. Supposed to be, after ng Saturday schedule niya ng taping, Monday, balik siya sa amin,” kuwento ni Dennis.

May isang maliit na scene na lang daw na hindi nagagawa si tito Eddie that time kaya kung tutuusin ay nakumpleto raw nito talaga ang pelikula.

“Ang huling kaeksena ni Tito Eddie, kaming tatlo,” patuloy ni Dennis.
“Basta, may binaril siya sa amin. Siguro, nag-pack up ako, mga 5am, si Tito Eddie siguro, nauna lang sa akin, mga 4am.

“Bilib nga ako sa kanya, sabi ko, ‘tito Eddie, wala ka bang cut-off?’ Sabi niya, ‘bakit, pagod ka na ba?’ Baligtad, eh. Siya pa ‘yung nagsabi sa akin ng ‘bakit, pagod ka na ba?’ kasi wala nga siyang cut-off.”

Kuwento naman ni Andrew E, inaanak daw ni Tito Eddie ang panganay niyang anak na si Ford D, pati na rin sina Janno and Dennis.

“Mixed emotions – masaya, malungkot kasi nakasama sa pelikula. But siyempre, hindi maiaalis na sa pelikula rin natapos ‘yung pagsasamahan.

“And in as much as I can remember, ‘yung last night ni Tito Eddie would be the funniest one. Kasi kinuwentuhan nang kinuwentuhan nang kinuwentuhan ni Dennis Padilla si Eddie Garcia.

“And I never saw how happy Tito Eddie was, nu’ng tawa nang tawa siya sa mga jokes ni Dennis,” kuwento ni Andrew E.

“Bittersweet” naman ang deskripsyon ni Janno na ang last movie ng beteranong aktor ay kasama sila.

“Ako, personally, aside from we had a movie together, nagkaroon pa kami ng sitcom together na matagal sa Channel 7,” ani Janno.

Sa pelikula ay sinubukan daw niyang i-dub ang boses ni Tito Eddie dahil may isang eksena ito na nagkaroon ng problema sa sound.

“I don’t know if they’re going to use it in the movie. Parang phone call ni Tito Ed to Andrew, they had to cure the dubbing, sinubukan ko,” sey naman ni Janno.

Ang “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo” ay reunion movie nina Janno, Dennis and Andrew E. after 25 years. Taong 1995 nang magkasama-sama raw sila sa “Si Mokong, si Astig at si Gamol” kaya naman sobrang saya nila na binigyan sila ulit ni Boss Vic del Rosario ng Viva Films ng pelikula.

Showing na sa Sept. 4 ang “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo” mula sa direksyon ni Al Tantay.