Abante Tonite Interactive

Eddie pinopormahan si Yam

1,874

tonite-imo-vinia-vivarNaaliw kami sa sagutan nina Jolo Revilla at Yam Concepcion sa Instagram. Nag-post kasi ang aktor/politiko ng larawan nila ni Eddie Garcia at sa caption ay tinatanong niya ang sikreto ng veteran actor.

“Tito Eddie, Ano bang secret para manatiling suwabe at ageless tulad mo? Salamat sa pagkwento nyo ng mga kalokohan nyo ng lolo ko!” caption ni Jolo.

Komento ni Yam, “grow a beard, too!!!”

Na sinagot naman ni Jolo ng “hahaha! Kamusta naman at pinopormahan ka pa nya?:) lol!”

Sagot naman ulit ni Yam, “Hahahah smooth!! nagiisa lang!!!”

Ewan kung biro lang talaga o seryoso ngang pinopormahan ni Manoy Eddie si Yam. Kung true, aba eh astig naman pala talaga ang veteran actor!

Matatandaang nagkasama sina Eddie at Yam sa FPJ’s Ang Probinsyano some months ago nang mag-guest ang aktres sa nasabing serye ni Coco Martin.
***

Kathryn hindi bastusin — Daniel

Sa trailer pa lang ng The Hows of Us ay marami na ang nakapansin na may mga kaun­ting pagpapakita na ng skin si Kathryn Bernardo tulad na nga lang ng isang eksena kung saan ay nakasuot siya ng short shorts.

Related Posts

Aminado ang direktor ng movie na si Cathy Garcia-Molina na inaaway na nga raw siya ng nanay ni Kath tungkol dito.

Sinasabi raw sa kanya ni Mommy Min (Kathryn’s mother), “direk, ano na naman pinagawa mo? Ano na naman pinasuot mo?”
Ayon kay Kathryn, siyem­pre ay tinitingnan din naman daw niya kung okay ba or babagay ba sa age niya ang mga pinapagawa sa kanya.

“That’s why I take my time, like when they offer me projects, iniisip ko kung, ‘Okay, tama ba ito?’ ‘Pag masyadong sinagad ‘yung maturity, ‘pag masobrahan ka of anything, delikado kasi saan ka papupunta ‘pag na-reach mo na ‘yung pinaka-mature?

“So everytime may mga ino-offer or may gagawin, parati lang iniisip kung makakatulong or masasabayan ba ako ng mga fans pag ginawa ko ‘yun.

“Pero with regards with the clothing, siguro ayaw mo rin kasi na parating maging safe. Parang once in a while, yung mas sexy na damit pero it doesn’t mean na all out ka. Pero siguro okay lang na once in a while, mag-try ka ng new outfits or gagawa ng ganyan pero balanced pa rin,” pahayag ni Kath.

Depensa naman ni Da­niel Padilla, hindi pa rin naman daw nawawala ang wholesomeness ni Kathryn.

“I don’t think naman it’s shedding, hindi naman nawala yung wholesomeness. I think it’s just the growth. Tumatanda na rin si Kathryn.

“And pangalawa, hindi naman bastusin tignan. Kasi bago maging bastusin, nasabihan ko na siya,” sey ni Daniel.

Agree naman si Kath na tumatawa. “Nasita na niya,” sambit ng young actress.

Ulit pa ni DJ, hindi naman daw bastos at normal lang naman daw ang ipinakita ni Kath na outfit or skin sa movie.
“Walang bastos, walang maselang tingnan, it’s normal,” depensa pa ni DJ.