Abante Tonite Interactive

Eddie pinukpok ng payong ng isang fan

By
0 1,180

Nakatrabaho na ng beterano at multi-awarded actor-director na si Eddie Garcia ang movie queen na si Gloria Romero pero never pa raw silang naging magka-loveteam noong Sampaguita days.
Kasi noong panahon daw na iyon na magkasama sila ni Tita Glo, puro mga kontrabida role ang natotoka sa kanya.
Katunayan, dahil sa kanyang pagiging epektibo sa larangang ito, siya ang tinaguriang ultimate kontrabida na may unique o  sariling trademark niya pagdating sa pagde-deliver ng kanyang mga punchline.
Naging rapist nga raw siya ng movie queen sa isang pelikula at ikinuwento niya ang hindi niya malilimutang karanasan niya sa isang fan noong ng veteran actress.
“Noong premiere kasi noon, nagbibigay kami ng mga photos at autograph sa mga fan. Pagpasok, nagulat na lang ako dahil may kumalabog. Kasi, isang matandang fan, pinukpok ako ng pa­yong at galit na galit kasi salbahe raw ako kasi rapist daw ako ni Gloria,” pagbabalik-tanaw niya.
Natatawa rin siyang isipin na maging si Aiko na gumaganap na anak niya sa “Rainbow’s Sunset” ay naging rape victim din niya sa pelikulang “My Pretty Baby” noong late ‘80s.
Happy naman si Tito Eddie na muling nakatrabaho niya si Tita Glo na dati niyang nakasama sa mga pelikulang “Fuschia”, “Mahawi Man ang Ulap” at iba pa.
Sa edad niyang 89, nagpapasalamat din siya na in-demand pa rin siya sa mga bida at kontrabida role.
Ginagampanan niya ang role ni Manolo, isang retiradong senador na nagladlad sa dapithapon ng kanyang buhay para makapiling ang lalakeng kanyang minahal sa pelikulang “Rainbow’s Sunset” na kalahok sa 2018 MMFF.
Tampok din sa pelikula sina Gloria Romero, Tony Mabesa, Tirso Cruz III, Aiko Melendez, Sunshine Dizon at Max Collins.