Abante Tonite Interactive

Edgar Allan nagpasabog ng kaseksihan

Edgar Allan Guzman
0 1,267

tonite-this-is-it-roldan-castroIba rin itong ‘The Stepdaughters’ star na si Edgar Allan Guzman. Talagang nagpasabog ng kaseksihan sa inupload niyang dance cover sa kanyang Instagram.

Pinakitaan ng aktot ang kanyang mga follo­wer ng kanyang swabeng dance moves at nagpakilig ng maraming fan dahil sa kanyang sexy paandar online.

Naki-join din ang ilang mga Kapuso stars sa pag-comment dahil sa bilib nila sa aktor. Minsan lang ipakita ni EA ang galing niya sa dance floor kaya naman humiling ang iba na dalasan niya ang pag-post nang ganito.

Mapapanod din si EA sa pelikulang “Pinay Beauty Queen” kasama sina Chai Fonacier, Maxine Medina, Janus del Prado, Nico Antonio, Hanna Ledesma, Mariko Ledesma, Allan Paule, Lou Veloso, Joel Saracho at Richard Somes. Showing na ito sa August 15-21 para sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

‘Onanay’ tinutukan sa primetime

Maipagmamalaki ng cast ng ‘Onanay’ ang kanilang puyat at pagod dahil wagi sa ratings ang pinakabagong handog ng GMA Telebabad sa viewers!

Inabangan ang pagdating ng karakter ni Cherie Gil sa serye, at mula nang magkaroon sila ng eksena ni Onay (Jo Berry) ay hindi na bumitaw ang mga manonood dito.

Kahit mismong si Cherie ay hindi kinaya ang eksena. “That was tough to watch,” pag-post niya pa sa Instagram. Nabanggit na ng veteran contravida na maingat siya sa mga eksena dahil ayaw niyang masaktan si Jo, pero ibang sakit pala ang naramdaman niya nang mapanood ang eksena.

Nakakatuwang subaybayan si Cherie sa kanyang Instagram posts dahil malayong-malayo sa intimidating character niya ang kanyang online presence. Benta ang posts at nakakaaliw basahin. Tuluy-tuloy na subaybayan ang Onanay at congrats sa buong team!