Abante Tonite Interactive

Edgar Allan type si Maine

By
2,108

Ang diva that you love, tinanong ang mahusay na aktor kung sino pa sa mga artistang babae sa Kapuso network ang nais niyang makatambal.

Sagot niya agad, “Si Maine Mendoza!” Paliwanag ni EA, “Ang ganda niya kasi. Saka feeling ko, marami pa siyang pwedeng ipakita sa comedy o sa kulitan. Feeling ko bagay kami. Hahahaha! Naku, baka ma-bash ako!”

Sabi pa ni EA, “May natural comic flair si Maine at hindi lahat meron nu’n. Ako naman, makulit, saka patawa. Baka naman pwedeng i-try. Wala namang masamang ma­ngarap.”

Anyway, bakit kaila­ngang unang panoorin ang ‘Pinay Beauty’ sa PPP sa August 15 to 21? Sagot niya sa akin­g huling katanungan, “Kasi maraming aral na mapupulot. Ipapakita kasi rito na ang tunay na kagandahan ay skin deep. Na mas importante pa rin talaga ang kagandahang panloob, kabutihan at kabaitan. Masaya siya. Hindi preachy. Pero tatamaan ka pa rin, mapag-iisip habang humahalakhak ka.”

Dyowa ni Mark idinisplay

Ang diva that you love, pag­labas sa venue kung saan ginanap ang grand payanig para Harry & Patty, nakasabay namin si Mark Neumann sa lift.

Pagkakita niya sa akin, magiliw itong nagbigay-pugay, yuma­kap at bumeso and just like a true gentleman, ipinakilala sa amin ang beautiful miss na kasama niya, ang kasintahang si Mafi.

Napagkuwentuhan muna namin ang common denominator nila ni Mafi, ang archery. Gusto ni Neumann ang sport kasi, “It gives you the opportunity to find your center, feel your gut, concentrate and then release the arrow and hit your target. Super noisy kasi nowadays, ‘di ba? Sa archery, masarap’yung feelin­g na parang you commune with yourself.”

Hindi niya raw masyadong bet ang competitive archery, mas gusto niya ang authentic archery, na bow and arrow lang talaga ang ginagamit, “The primal the bow and arrow, mas excitin­g for me to use.”

Ate Patty niya si Kakai Bautista sa pelikula at sa trailer, parang tinutudyo niya ang alindog nito. Sa totoong buhay ba, may isyu siya sa mga pangit?

Mabilis nitong sa­got? “Wala, siyempre. Sa akin, lalo na with friends, it’s the personality that counts. Dapat mabait, ‘di ba? May common interests kayo, you jive well. I never teased or bullied anyone because of how he or she looks. I was not raised like that.”

Masaya siya sa pagiging Kapamil­ya at sob­rang masaya ang binata kasi nga magagandang breaks ang na­kukuha niya bilang ka-Dos. Nasa box-office hit movie rin siyang ‘I Love You, Hater’ bilang kasintahan ni Markki Stroem. ‘Di ba, pang Bel Ami at Sean Cody ang partnering nila ni Markki. Pasok sa banga sila sa mga flip flopping at bareback scene. Charot! Hahahaha!

Mabait na, matangkad, maamo pa ang mukha, at dahil nga inamin na rin naman niya dati na siya ang bidang lalaki sa mahiwagang bidyo, naku Mafi, ang swerte mo kay Mark Neumann, huh! ‘Wag masyadong pahara-hara sa daan at alam mo na, ang team gurlis, baka mapag-initan ka.