Abante Tonite Interactive

‘Edithas way’ na chicken pie

0 401

Mahilig akong mangolekta ng cooking recipes mula sa mga label ng canned goods, sa mga bonus na kasama ng food product, at sa mga fliers na ipinamimigay sa supermarket. Hindi ko akalain na ang nagdedevelop at sumusulat ng mga recipes na ‘yun ay makikilala ko at magiging kaibigan ko pa!

Si Chef Editha Singian ay limampung taon nang gumagawa at nagsusulat ng mga recipes. Nagsimula siya sa Nestle Test Kitchen na tagabuo ng mga recipes bilang Home Economist noong late 60s hanggang early 70s.

Nagsulat din siya ng cookbooks tulad ng From Simple to Gourmet at Filipino Delicacies. Ang kanyang librong Sweet Temptations, Editha’s Way ay nagwagi ng ikalawang gantimpala sa Gourmand International Cookbook Awards sa Paris, France noong 2016!

Dati siyang may restaurants sa NEDA Padre Faura Manila, College of Saint Benilde at Medico Doctor’s Lounge. Pinamahalaan din niya ang Triple 8 Catering Services. Ngayon, consultant siya ng Pancake House at ng mga hotels at resorts.

Pero hindi pa rin niya nakakalimutan ang pagdevelop ng recipes tulad ng ipapatikim sa atin ngayon na Chicken Pie, Editha’s Way.

Para sa malutong na crust:
3/4 tasang butter, chilled and cubed
1 tasang cream cheese, softened
2 tasang all-purpose flour
1/4 kutsaritang asin

Paghaluin ang mga ingredients at imasa hanggang makabuo ng maliit na bola. Ibalot ng plastic wrap at itabi sa refrigerator ng 2 oras.

Related Posts

Palaman:
1/3 tasang butter
1/3 tasang hiniwang sibuyas
2 kutsarang hiniwang parsley
1 1/3 tasang luto at hiniwang maliliit na manok
1/2 tasang mushrooms (tinanggal ang tubig) na hiniwa
1/4 tasang all-purpose flour
1/2 tasang full-cream evaporated milk
1/2 kutsaritang seasoning
1 kutsaritang asin
Durog na paminta
1/4 tasang ginadgad na keso

Tunawin ang butter at igisa dito ang sibuyas at parsley. Idagdag ang manok at mushrooms. Idagdag ang arina at haluin hanggang maging pino (smooth). Dahan dahang idagdag ang evaporated milk at lutuin hanggang maging makapal. Idagdag ang seasoning, asin, paminta at ang keso.

Hatiin ang pastry dough (ang itinabing minasa) sa gustong sukat at padaanan ng rolling pin. Ilagay sa gitna ang ipapalaman na mixture ng manok at itupi ang dough.

Puwede rin namang gumamit ng pie plate, ilatag ang pastry dough, ilagay ang palaman na mixture ng manok at takpan ng kabila ng pastry dough. I-brush ito ng egg wash (binating itlog na may kasamang gatas).

Ilagay sa isang pinainit na oven na 350 degrees Fahrenheit sa loob ng 25 hanggang 30 minuto hanggang maging golden brown.
.
Ready na ang masarap na chicken pie!

Ang libro ni Chef Editha na Sweet Temptations, Editha’s Way ay available sa National Bookstore.

Tonite – Wendys Inhouse Ad