Abante Tonite Interactive

Editorial: Epekto ng ningas-kugon

62

Bumalik na naman ang sindikato sa “laglag-bala” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos ang halos dalawan­g buwang pananahimik.

Ito ay kasunod ng pinakahuling insidente ng hinihinalang “l­aglag-bala” na mag-asawang senior citizens na patungong E­stados Unidos.

Alinsunod sa ulat ang biktima ay isang 75-anyos na lola at ang 78-anyos nitong asawa.

Abante Hiring – IT dep

Laking pagtataka ng mag-asawa dahil nakalusot walang nakitang bala sa kanilang pangangalaga sa unang x-ray machine pero­ nang dumaan sa pangalawang machine ay natagpuan sa handbag ng matandang babae ang isang bala ng kalibre .38 na baril.03-21-2016-edit-001

Dahil sa insidente ay hinarang ang mag-asawa at hindi pinaya­gang makabiyahe bukod pa sa “for further investigation” ito dahil sa natagpuang bala sa kanyang bag.

Nakakalungkot ang panibagong kaganapang ito sa NAIA na batid naman ng lahat, lalo na ng mga kinauukulan na may sindikatong nasa likod ng operasyong ito pero tila walang takot sa pambibiktima ng mga kababayan at dayuhang papasok at papalabas ng bansa.

Sa ganang amin, kaya muling nabubuhay ang sindikatong ito ay dahil sa kawalan ng sinseridad ng gobyerno lalo na ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na seryosong harapin ang kalokohang ito.

Hangga’t walang matataas na opisyal na napapanagot o nakakasuhan sa usaping ito ay magpapatuloy ang sindikatong ito sa pambibiktima ng ating mga kababayan at mga dayuhan.
Kaya ang sa amin, magpakita sana ng sinseridad sa kanilang tungkulin ang DOTC na siyang mayhawak sa mga ahensyang nasa mga paliparan partikular sa NAIA kung saan paulit-­ulit na nangyayari ang pambibiktima ng “tanim-bala”.

Ang nangyayari kasi ay naghihigpit lamang tuwing may nag-ingay na biktima ng tanim-bala. Ang dapat ay linisin ang buong aviation security group dahil punumpuno ng bahid ng pagdududa sa pagtupad sa tungkulin ang mga tauhan dito.

Hindi rin dapat kalimutan ng administrasyong ito na dalawang tauhan ng Office for Transportation Security (OTS) ang kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Disyembre ng nakaraang taon dahil sa alegasyong sangkot sa “laglag-bala” kaya’t napakaseryoso ng alegasyong may sindikatong nasa likod ng tanim-bala sa NAIA.

Kaya nga sa amin, napapanahon na para magpatupad ng reporm­a ang DOTC sa mga tauhan sa NAIA upang mawalis ang mga bulok dito na sumisira sa pinipilit na pagandahing imahe ng gobyerno at ng ating bansa sa pangkabuuan.