Abante Tonite
Mabilis sa Balita

EDSA Busway arangkada na

0 253

Sinimulan na ang interim operation ng EDSA Busway nitong Miyerkoles, Hulyo 1, bilang kaagapay ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 at bus augmentation program.

Bahagi ito ng mga programa ng Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na tulungan sa pagbiyahe ang mga commuter sa Kalakhang Maynila habang nasa ilalim pa ng general community quarantine (GCQ).

Sakop ng EDSA Busway ang mga bus stop mula Monumento papuntang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Lahat ng bus mula Monumento patungong Quezon Avenue ay gagamitin ang mga sumusunod na bus stop na pansamantalang matatagpuan sa mga gilid ng bangketa para magsakay o magbaba ng mga pasahero: Bagong Barrio, LRT Balintawak, Kaingin Road, LRT Muñoz Station, MRT North Avenue Station (southbound-loading, northbound-unloading), MRT Quezon Avenue Station (southbound-loadin, northbound-unloading).

Gamit ang kasalukuyang set up, gagamitin ng mga bus ang mga median lane para sa bahagyang operasyon ng busway section mula Quezon Avenue hanggang Estrella. Paglabas ng Estrella, papayagan ang mga bus na magsakay at magbaba ng mga pasahero sa mga bus stop na nasa gilid ng bangketa mula Buendia hanggang PITX: Buendia-Ayala (southbound-unloading, northbound-loading/unloading), Magallanes, Evangelista/Malibay, Taft Avenue (southbound-unloading, northbound-loading), Roxas Boulevard, Macapagal Avenue, SM Mall of Asia, at PITX.

Pinayagang bumiyahe sa EDSA Busway ang 550 bus. Nangako ang mga bus operator na magpapatakbo ng 150 bus simula ngayong araw. Karagdagan ito sa mga bus na bumibiyahe sa ilalim ng MRT-3 Bus Augmentation Program. Hindi tataas ang pamasahe.

Leave A Reply

Your email address will not be published.