Abante Tonite
Mabilis sa Balita

EDSA Busway beep card aayusin pa

0 116

Dinagsa ng reklamo mula sa mga commuter ang unang araw ng pagpapatupad ng cashless payment sa EDSA Busway sa pamamagitan ng beep card para makasakay sa bus.

Layon nitong maiwasan ang pagkahawa sa COVID subalit inirereklamo naman ng mga pasahero ang mahabang pila sa pagbili ng beep card. Dagdag pa ng mga pasahero, mahal ang beep card na nagkakahalaga ng P100.

Nilinaw naman kahapon ng Department of Transportation (DOTr) na ang mga bus operator umano ang pumili sa payment system gamit ang beep card.

SM food to go Banner Ad

Sabi ng DOTr, hihilingin na lamang nila na libreng ipamigay na lamang ang mga Beep card.

Reklamo ng mga pasahero, tumaas ang presyo ng Beep card na nagkakahalaga na ngayon ng P100 mula sa dating P70 at hindi pa kasama ang load o stored value nito.

Inihayag naman ng DOTr na kanilang kakausapin ang operator ng Beep card payment system para matugunan ang hinaing ng mga pasahero. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.