Abante Tonite
Mabilis sa Balita

EDSA Busway, mga tren tigil biyahe

0 232

Sinuspinde ng Department of Transportation (DOTr) ang biyahe ng mga tren at EDSA Busway sa Metro Manila nitong Linggo dahil sa bagyong `Rolly’.

Ito’y matapos na itaas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang signal no. 4 sa Metro Manila sa weather bulletin na inilabas alas-otso ng umaga.

Paliwanag ng DOTr, may sinusunod na standard operation procedure ang mga railway kung saan kapag signal no. 3 pataas na ang babala ng Pagasa ay kailangang suspindehin na ang operasyon ng Light Rail Transit (LRT), Metro Rail Transit (MRT), at Philippine National Railways (PNR).

Pero hindi naman kaagad pinatigil ang biyahe dahil hinatid pa rin muna sa mga istasyon ng tren ang mga pasahero na nagkataong sakay nang inanunsyo ang suspensyon dahil sa bagyo.

Tiniyak ng DOTr na balik operasyon ang LRT, MRT at PNR kapag inalis na ang warning signal sa bagyong `Rolly’.

Samantala, inihayag din ng DOTr Facebook page na sinuspinde nito ang biyahe ng EDSA busway simula ala-una ng hapon nitong Linggo dahil din sa bagyo.

Leave A Reply

Your email address will not be published.