Abante Tonite Interactive

EDSA, C-5 apektado ng DPWH road repair

By
225

Nag-abiso ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga motorista na maaaring maipit ng traffic lalo na ang mga dadaan sa pitong national road sa National Capital Region (NCR) kabilang na ang ilang ba­hagi ng EDSA at C-5 na isasailalim sa concrete reblocking.

Ayon sa DPWH, ang mga pagkukumpuni ay sinimulan bandang alas-11:00 nang gabi ng Biyernes at matatapos ng alas-singko nang umaga ng Lunes, Pebrero 4, sa northbound lane ng EDSA sa harap ng Philippine College of Surgeons hanggang sa harap ng Quezon City Academy, 1st lane mula sa sidewalk; mula Light Mall 1st lane hanggang Jollibee Service Road, Mega Mall 2nd lane; at ang southbound direction pagkatapos ng Lagarian Creek hanggang Ermin Garcia Street katabi ng MRT.

Related Posts

Kukumpunihin din ang mga kalsada sa southbound direction ng Circumferential Road 5 (C-5) sa harap ng SM Aura; at pagkatapos ng Lanuza Avenue bago duma­ting ng Bagong Ilog flyover.
Ang northbound direction ng Ramon Magsaysay Boulevard mula Ramon Magsaysay Bridge hanggang Pureza St., papuntang Quiapo; at Fairview Avenue mula Atherton hanggang Regalado Avenue North, ang 2nd lane ay sasailalim din sa pagsasaayos.

Dahil sa inaasa­hang pagsisikip ng trapiko sa mga lugar na nabanggit, pinapayuhan ang mga motorista na humanap ng alternatibong madadaanan.