Abante Tonite Interactive

EDSA ‘driver-only vehicles’ hindi makatarungan!

By
138

Ito marahil ang dahilan kung bakit tinuluyang iwaglit ang pa­nukalang ipagbawal ang ‘driver-only vehicles’ sa kahabaan ng EDSA.

Setenta porsyiento umano ang mga sasakyan na bumabagtas sa EDSA tuwing rush hour o sa pagitan ng oras alas-sais hanggang alas-nuwebe nang umaga ayon sa pagsusuri ng MMDA.

Ngunit makataru­ngan nga ba para ibawal ang sasakyan na tumahak sa EDSA?

Kung ang pakay ng MMDA ang sususugan, makatarungan ito upang maibsan ang mala-parking lot na usad-trapiko sa EDSA.

Ngunit kung ikaw namang motorista na may kakayahan bumili ng sasakyan alang-­alang sa konbinyenteng biyahe papasok ng trabaho, aba’y bakit naman aalisin ang pribilehiyong ito sa isang tao?

Ayon pa kay Sen. Grace Poe, hindi garantiya ang gagawing ito ng MMDA na isakripisyo ang mga motorista dahil kung aalisin nga naman ang 70% na yaon na mga sasakyan sa EDSA aba’y magsisikip din sa kung saan mang lansa­ngan babaling na daraanan ang mga ito.

Kumbaga sa larong chess, stalemate ang move na ito ng MMDA.

Ang nararapat gawin ng MMDA ay humanap ng ibang pangmatagalang paraan o solusyon sa problemang ito.

Gaya ng ating nabanggit, elevated o multilayer elevated EDSA ay isang option o kung ‘di man ay underground.

Magpa-bid ang MMDA sa malalaking builder conglomerates riyan at tiyak na may papatol niyan dahil puwede naman lagyan ng konting toll fee ‘yan.

Ang mga motorista ay handang magbayad sa ikaluluwag ng biyahe niya kaysa naman ang nakasadlak sa isang parking lot na EDSA.

Kung ang San Miguel ay nagpanukala dati ng isang futu­ristic na airport, aba’y hindi rin malayong mag-participate ito sa isang maayos na planong naglalayong paluwagin ang trapiko sa EDSA.