Abante Tonite Interactive

EDSA luluwag sa elevated toll road — Ramon S. Ang

335

May mungkahi si San Miguel president at chief operating officer Ramon S. Ang para lumuwag ang kahabaan ng EDSA: Magtayo ng toll road sa ibabaw nito.

Inihayag ito ni Ang sa mga reporter matapos nilang lagdaan kahapon ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang concession agreement para sa pagtatayo ng P735 milyong New Manila International Airport sa Bulacan.

Sabi ni Ang, magsusumite sila ng proposal sa DOTr sa susunod na linggo hinggil sa pagtatayo ng elevated toll road sa EDSA.

Ihahayag umano ng kompanya ang mga karagdagang detalye hinggil sa nasabing proyekto kapag kanila na itong naisumite sa DOTr.

Sa mungkahing elevated toll road, ay maglagay ng 10 lane sa EDSA, o tig-limang lane sa magkabilang bahagi nito.

Sa panig ni Tugade, sinabi nito na posibleng maaprubahan ang proyekto sa kondisyong ibabalik ito sa gobyerno.

“Meron kaming usapan, para ipakita ang since­rity, the government can buy it back at any time after construction—at cost,” ani Tugade.