Abante Tonite Interactive

Edsa planong tanggalin ng LTFRB sa ruta ng mga provincial bus

486

Pinag-iisipan ng Land Transportation Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB) ang planon­g tanggalin ang Edsa bilang dadaanan ng mga bus patungong probinsya o bilang isang franchise route ng mga provincial bus.

Sa ilalim ng panukala ng LTFRB sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang mga bus na mula sa hilaga ay maglalakbay lamang hanggang sa isang terminal ng Valenzuela habang ang mga bus mula sa timog ay babiyahe lamang hanggang sa isang terminal sa Santa Rosa, Laguna.

Gayunpaman, sinabi ng MMDA na hihintayin muna nila ang desisyon ng Korte Suprema matapos na ang ilang mga petisyoner ay nagpahayag ng kanilang mga karaingan tungkol sa provincial bus ban.

Sinabi pa ng ilang kompanya ng bus na ang pag­lilimita umano ng biyahe sa Valenzuela terminal at Santa Rosa ay labis na makakapekto sa kanilang negosyo. (Riz Dominguez)