Abante Tonite
Mabilis sa Balita

EDSA trapik kahit GCQ: MMDA balak buksan 2 u-turn

0 201

Kasunod ng mga reklamo hinggil sa mabigat na trapiko sa EDSA kahit pa nasa general community quarantine pa ang Kalakhang Maynila, pinag-iisipan umano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na buksan ang dalawa sa mga sinarang u-turn slot.

Related Posts

“Kausap namin ang DOTr kanina. Kanina rin po kausap ko si Congressman Sarmiento, ang chairman ng Transportaion sa House. Pinag-uusapan namin ‘yung pagbabalik ng U-turn,” sabi ni MMDA general manager Jojo Garcia.

Kaugnay ng reklamo ng mga motorista sa EDSA, sinabi ni Garcia na ang pagsasara ng mga u-turn slot ay magbebenepisyo sa mas maraming commuter, “Talaga dito ang binibigyan natin ng priority ang mga buses, mga commuters natin kasi ang isang bus ang laman niyan ay nasa 30 plus ang pasahero. Ang kotse, isa, dalawa. Ang maximum, tatlo na.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.