Abante Tonite
Mabilis sa Balita

EDSA truck ban, simula na sa Dec. 14

0 195

Inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipatutupad na ang truck ban sa EDSA simula sa Lunes, December 14.

Sa panayam kay MMDA spokesperson Celine Pialago, hindi na papayagang makadaan sa EDSA ang mga truck mula alas-6:00 ng umaga hanggang 10am at 5pm hanggang 10pm.

Related Posts

“‘Yung mga truck naman po na bumabaybay sa EDSA, which is meron naman po, which is Magallanes to Roxas Boulevard and North Avenue to Balintawak, sundin po natin ‘yung truck ban natin,” ani Pialago kasabay nang pagsasabi na ipatutupad din ito sa C-5.

Aniya, ang lahat ng polisiya na saklaw, lalo na sa mga major thoroughfares na hinahawakan ng MMDA ay balik na sa truck ban. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.