Abante Tonite Interactive

Edu, bilib kay Dingdong

131

BUKOD sa pagiging master bluffer sa Celebrity Bluff ay pinagkakaabalahan din ni Edu Manzano ngayon ang ta­ping ng second season ng Alyas Robin Hood kung saan gagampanan niya ang role ni Emilio.

“He’s a very charismatic individual but also very scheming. Kumbaga, kung may dala ka nang opinion, kaya ka niyang i-charm and baguhin ‘yon,” saad ni Edu.

Bilib si Edu sa lead star ng Alyas Robin Hood na si Dingdong Dantes.

“Masipag and very, very hardworking. Kita mo talaga ‘yung de­dication niya sa kanyang craft,” papuri ni Edu kay Dingdong.

“And nu’ng his wife just gave birth, ‘di ba, he really took time off? Kasi, dedicated siya sa family niya and I’m ho­noured to be in a series with him.”

***

“Todo na talaga!”

Sagot ni Dingdong Dantes nang tanungin kung paano nila pinaghahandaan ang season two ng Alyas Robin Hood. “Grateful kami sa res­ponse ng mga tao sa ­unang season. Kung hindi dahil du’n, di kami magkakaroon ng pangalawa.

“Kaya sisiguraduhin din namin na dito, dodoblehin namin ‘yung saya na ie-expect nila.”

Ayon pa kay Dingdong, masaya, walang problema at on good terms silang lahat sa set.

Tulung-tulong silang pinapaganda ang show.