Abante Tonite Interactive

Edu Manzano disqualified sa San Juan

739

Kinansela ng Commission on Elections (Comelec) Second Division ang certificate of candidacy (COC) ng aktor at San Juan congressional bet na si Edu Manzano dahil hindi pa umano ito Filipino citizen nang tumakbo sa pagka-kongresista sa nasa­bing lungsod.

Batay sa desisyon ng Comelec ang COC ni Manzano ay kinansela dahil sa maling paglalahad ng kanyang citi­zenship.

Nag-ugat ang usapin sa citizenship ni Manzano nang magsilbi ito sa Armed Forces ng United States. Dumepensa pa umano si Manzano na napanatili nito ang kanyang status bilang natural born Filipino citizen, pero hindi ito sinang-ayunan ng Comelec.

Giit ng komisyon, “We hold that Respondent failed to reacquire his Philippine citizenship for non-compliance with the requirements of Republic Act No. 2630 and is thus ineligible to run for member, House of Representatives, representing the lone district of San Juan City.”
Maaari naman umanong maghain ng apela si Manzano sa commission en banc at maging sa Supreme Court para ibasura ang nasabing desisyon.