Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Edu ready maging lolo sa baby nina Luis, Jessy

0 191

NI:ARCHIE LIAO

Aminado si Edu Manzano na tulad ninuman, hindi naging perfect ang relationship niya sa mga babaeng na-involve sa kanya.

Nauwi sa hiwalayan noon ang marriage niya noon sa Star for all Seasons na si Vilma Santos.

Ang mga sumunod niyang relasyon ay hindi rin masasabing nag-work.

Pero kung may isa mang maipagmamalaki ang actor, nanatiling kaibigan niya ang mga ina ng kanyang mga ex at hindi nawala ang respeto nila sa isa’t -isa.

Ngayon, ikakasal na ang kanyang panganay na si Luis sa girlfriend nitong si Jessy Mendiola, never daw siyang nagbigay ng advice rito.

“Never akong nagbigay ng advice sa kanya. Ako mismo ang nagsasabi sa kanya na huwag niya akong hingan ng advice,”natatawang pahayag ni Edu.

Malaki raw kasi ang kumpiyansa niya kay Luis na kaya na nitong gumawa ng tamang desisyon para sa kanyang sarili.

Pero ready na raw siyang tawaging lolo dahil ganito na ang tawag ng mga dyunakis ng mga pamangkin niya.

Nagpaka-safe naman si Edu sa pagsagot kung sino sa mga naging gf ni Lucky ang close sa kanya.

Aniya, iginagalang daw niya kung anuman ang desisyon ng anak dahil at the end of the day, ang anak naman niya ang makikisama sa babaeng napusuan nito.

Sa kanyang edad, wala na rin daw balak mag-asawa dahil mas gusto niyang e-enjoy ang time niya kasama ang kanyang mga anak.

Speaking of politics, aniya, wala na raw siyang balak na kumandidato sa anumang puwesto.

Mas gusto raw niyang ipaubaya ito sa young blood na para sa kanya ay maraming maiaambag para mapaunlad ang bansa.

Gagampanan ni Edu ang papel ni Gen. Benjamin Magalong sa Mamasapano na idinirehe ni Lawrence Fajardo. Iprinodyus ni Atty.Ferdinand Topacio sa ilalim ng Borracho Productions.

Leave A Reply

Your email address will not be published.