Abante Tonite Interactive

Edu todo tanggol sa pamilya Cruz

1,496

Inulan ng pambabatikos ang pamilya Cruz matapos magsayaw bilang tribute sa huling lamay ng yumaong anak ni Tirso Cruz III na si Teejay.

Ipinost ng actor-politician na si Edu Manzano ang espesyal na eksena sa Instagram.

“A wonderful family lost a member at the tender age of 37. I join them as they celebrate his life,” caption niya sa Instagram post.

Mara­ming netizen ang nagkomento at bumatikos rito. Komento ng mga netizen.

@charmainedee10,” Para s amin d magndang tingnn n nagssya ung parents ng namatay… di ba sila nagmomourned??? Parang okay lang . It’s not really ok.”

Dinipensahan naman ni Edu ang pamumuna ng netizen.

Aniya, “We all choose to mourn in our own way. Hindi natin alam kung ano ang wishes ni TJ.”

Inilibing ang mga labi ni Teejay nitong Linggo.