Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Edu umamin sa romansa kay Cherry Pie

0 78

Kinumpirma ng aktor na si Edu Manzano na sila na ni Cherry Pie Picache.

Unang umugong ang espekulasyon na may namamagitan sa dalawa matapos mag-upload si Cherry Pie ng ilang larawan sa New York .Mapapansin na magkasama sila.

“You’re the funniest! Yes, my dear,” tugon ni Edu Manzano sa panayam ng One Balita Pilipinas noong Biyernes, nang tanungin kung sila na ba ng aktres.

Dalawang beses pa umanong tinanong ng host na si Cheryl Cosim kay Edu kung totoo bang may relasyon na sila ni Cherry Pie at um-oo ito sa naturang mga katanungan.

Sina Edu at Chery Pie ay magkasama sa seryeng “Marry Me, Marry You.” Gumaganap silang magulang ni Paulo Avelino. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.