Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eduard balik-showbiz sa Pinas

0 269

NI: ROLDAN CASTRO

Bumalik na sa bansa ang dating Net 25 newscaster, Philippine Socialite at produkto ng Star Magic na si Eduard Banez.

17 years old lang siya nang ilunsad ng Star Magic Batch 15 nu’ng 2006 .Ka-batch niya sina Jessy Mendiola, Bela Padilla at Megan Young.

Naging co-anchored din siya ni Arnell Ignacio sa tele-radio show ng Radyo Singko 92.3 News FM.

Limang taon din siyang namalagi sa Los Angeles, California.

Nakagawa siya roon ng music video nina Ed Sheeran at Justin Bieber na “I Don’t Care.”

Pero na-miss niya talaga ang Pilipinas.

“Siyempre, gusto ko pa rin sa bayan natin,” deklara niya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Magpapabakuna ba siya dahil sumisipa ang COVID-19 sa bansa?

“Nagpa-vaccine na ako sa abroad. Free doon,” diretsong sagot ni Eduard

“Medyo nag- allergy lang ako ng konti pero okey na ako ngayon,” sambit pa niya.

Plano niyang mag-comeback sa showbiz.Hinihintay na lang daw niya kung anong show ang ibibigay sa kanya ng Net 25.

Sa ngayon ay naghahanap siya ng magaling na manager. Nasa puso pa rin niya ang showbiz.

Ibang-iba na talaga ngayon si Eduard. Mas malalim at may direksyon ngayon ang kanyang buhay.

“I want my plans to push through and become successful, so I can help more people,” lahad niya.

“I want to help out the poor people. I also want to build an orphanage for the children in the Philippines,”pagtatapos ni Eduard.

Leave A Reply

Your email address will not be published.