Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eduard bilib sa patama ni Angel

0 663

Saludo ang dating Net 25 newscaster, Philippine Socialite at produkto ng Star Magic na si Eduard Banez sa patama ni Angel Locsin sa mga Kapamilya star.

Sey ng aktres:” “Sa mga kasamahan kong artistang hindi nagsasalita, ano? May career pa ba kayo? Wala na! Wala na kayong network!

“Kahit magpa-cute kayo diyan sa Instagram, bakit hindi ninyo damayan ang mga katrabaho ninyo na dahilan kung bakit kayo sumikat!”

Hirit niya taglay ni Angel ang tapang, paninindigan, may puso at marunong lumaban.

Bagamat nasa Amerika si Eduard ay nandoon ang simpatya niya sa tuluyang pagsasara ng ABS-CBN 2.

“I feel sorry to those unemployed .Nakakalungkot din po. Nagbubuhos din ako ng emosyon dahil mga nakasama ko sila sa ABS. Hindi man ako nabigyan ng masyadong project noon kasi lagi rin ako nandito sa Amerika,” lahad niya sa isang panayam.

“Lahat naman kami nabigyan ng break.Marami naman akong natutunan. Sila naman ang nag-train sa akin pagdating sa acting, singing, hosting. Nagpapasalamat ako kay Mr. M” pakli niya

“Hindi lang nabigyan ng focus pagdating sa career,” dagdag pa niya.

Babalik ba siya sa Pilipinas para ipagpatuloy ang naudlot na pag-aartista?

“Opo gusto rin.May hinihintay lang ako na kailangan kong ayusin na mga bagay. Siyempre, gusto ko pa rin sa bayan natin,” aniya pa.

Pero aminado rin siyang sinusubukan niyang makipagsapalaran sa Hollywood. Marami rin naman daw nagsimula sa Hollywood na galing sa ibaba, walang-wala pero ngayon ay nasa top of the world na.

Nagsisilbi niyang inspirasyon ang ganitong mga success story.

Samantala, naudlot na rin ang plano niyang pagpo-prodyus at pagdadala kay Sia sa Pinas . Kinansela raw ni Sia ang lahat ng travel concerts dahil sa COVID-19.

“Kaloka ‘yung coronavirus ang tagal matapos,” deklara pa niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.