Abante Tonite Interactive

Edward ‘di insecure kay Donny

382

Pagkatapos mabuwag ang tambalang DonKiss, magiging katriyanggulo si Donny Pangilinan ng tambalang LoiNie sa “James and Pat and Dave” na sequel ng successful MMFF movie na “Vince and Kath and James”.

Katunayan, may sarili na ring fanbase sila ni Maymay Entrata na MayDon na nagwi-wish din na magkasama sila.

Sa kaso naman ng original team partner ni Maymay na si Edward Barber, nilinaw niya na never siyang na-insecure kay Donny.

May mga lumabas kasing balita noon na nakitang magkasama sa church sina Maymay at Donny.

Pagtatanggol ni Edward: “Siguro, when netizens saw them together, I was there, too. Kasi, si Maymay at si Donny, we got to the same church.”
Sey pa niya, hindi rin daw big deal sa kanya kung mag-hangout ang dalawa na wala siya.

“No worries at all kasi I trust Maymay and I trust Donny,” paliwanag niya.

Dagdag pa niya, kahit seloso siya, naniniwala raw siyang hindi susulutin sa kanya ni Donny si Maymay.

“Si Donny kasi, he’s just like a big brother to me. He’s a friend,” giit niya.

Hirit pa niya, hindi pa rin daw sila handa ni Maymay na maipareha sa ibang artista. “We thought about it. ‘Yung totoo ayaw po namin,” pagtatapat ni Edward. (Archie Liao)