Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Edward ‘di kawalan kay Maymay

0 500

NI: Archie Liao

Iniintriga ngayon ng kibitzers si Maymay Entrata kaugnay ng makahulugang post niya tungkol sa “sugat sa puso.”

” ‘Yung sugat sa puso mo ang siyang bumubuo sa kung sino ka ngayon. Lahat nang ‘yun ay sangkap upang ikaw ay mas magiging matatag,” ani Maymay.

Hirit pa niya, ang mga sakit daw o “sugat sa puso” ay makakatulong para tumatag at maging mabuting tao ang isang nasaktan.

Sey pa niya, hindi raw dahilan ang pagkabigo para tumigil na ang tao na mangarap at lumipad.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagawa pa niyang isegue -way ito para ipromote ang kanyang latest single na “Di Kawalan. “

“Kaya kahit anong mangyari ipagpatuloy mo lang ang iyong paglipad hanggang sa masabi mong ‘Di Sya Kawalan,”pahayag niya.

Dahil dito, inuurot siya na nagpaparunggit umano sa kanyang love team partner na si Edward Barber.

Matatandaang nagkaroon kamakailan ng heart -to-heart talk sina Maymay at Edward sa online show ng huli sa Kumu . Inamin ng una na nagkaroon ng problema ang kanilang relasyon dahilan para mawala ang tiwala ng young actress sa love team partner.

Leave A Reply

Your email address will not be published.