Abante Tonite Interactive

Edward inamin kay Vice ang panliligaw kay Maymay

311

Halos karamihan na yata sa mga sikat na love team sa Dos ay napaamin sa late night show ni Vice Ganda na “Gandang Gabi Vice”. At ngayon ay sinusubukan muli ng host na mapaamin ang MayWard sa tunay na estado ng relasyon nila.

Umamin si Edward na nililigawan niya ang aktres. Bagama’t magaling si Vice sa panghuhuli mapaamin lamang ang dalawa ay hindi nila direktang inamin na mag-dyowa na sila.

Ayon kay Edward, nanghihingi umano siya ng tugon mula kay Maymay at sa pamilya nito.

Aniya, “Maymay and I, kasi bata pa ako, honesty! So I’m respecting ‘yung choices at ‘yung ano, ligaw.”

Nang banggitin ni Edward ang mga kataga ay hindi na naiwasan ng madlang pipol na humiyaw sa kilig. Sa ngayon ay kasagutan na lamang ni Maymay ang hinihingi ni Edward, hindi naman tiyak kung kasagutan ba ito para sa pormal na panliligaw ni Edward, o kasagutan para maging opisyal na ang relasyon nila. (Ronaline Avecilla)