Abante Tonite Interactive

Edward kagandahan ang dyowa kesa kay Maymay

6,532

NI: ALWIN IGNACIO

Sa true lang, ang inyong diva that you love hindi na nagtataka na may umuusok na chikang diumano si Edward Barber ay may girlfriend.

At yes oh yes, sorry to disappoint their rabid fanatics, hindi si Maymay Entrata ang nagpapatibok sa kanyang puso, at mas lalong hindi ang dalagang pasok sa bangang maging runway model ang nagpapakilig sa kanyang puso.

Ang dyowa nga ba for real ni Barber ay puwede nating itago sa pangalang Lexa Lauraine?

Ang mga sitsit mula sa mga dalahira sa Instagram, diumano, itong si Lexa ay go for gold daw sa pagpunta sa condominium ni Edward para manood ng Netflix at mag-chill.

Ayon naman sa team katkatera, how true na ang binatilyong tisoy ay nila-like ang lahat ng mga sexy posts ni Lexa?

And the plot thickens, diumano, matapos mahuli itong si Edward ng kanilang mga panatiko ni Maymay, true nga bang he unliked all the pictures and asked Lexa to delete his comments on her sexy pictures?

At para lalong magngitngit ang mga faney sa diumano’y tinik sa dibdib ni Entrata, diumano muli, Maymay made bura all her YouTube videos with Edward. Burado na rin daw ang 30+ pictures of Edward, and deleted all her IG stories (favorites) related with Edward.

Tonite – Wendys Inhouse Ad