Abante Tonite Interactive

Edward laging nakabuntot kay Maymay

335

Kung si Maymay Entrata ang tatanungin tungkol sa real status nila ni Edward Barber, sasabihin lamang nito na special friends lamang sila.

Nakatuon umano ang kanyang attention sa kanyang career at pamilya. Pero iba naman ang paniniwala ng iba na magkasintahan na sila ni Edward.

Edward considers Maymay very special to him kaya lahat ng mga espesyal na okasyon ng singer-actress ay naroon siya tulad nang rumampa ito sa Arab Fashion Week in Dubai last November 2018. Nagkasama rin sila sa Germany sa pictorial ni Maymay for a glossy and high-end magazine at kung saan naka-bond nito ang pamilya ni Edward. Sumama rin si Edward nang magbakasyon sa Japan ang pamilya ni Maymay last December.

Since kasama si Maymay sa first team-up nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ang “Hello, Love, Goodbye” na dinirek ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina na kinunan sa Hong Kong nang halos isang buwan, sobra umanong na-miss ni Edward ang kanyang kapareha (lang?). Kaya nagdesisyon itong lumipad pa-Hong Kong para sorpresahin at dalawin na rin si Maymay. Nag-ala Daniel Padilla si Edward na sinorpresa rin sa Hong Kong ang kasintahang si Kathryn Bernardo.

***

Ricky Reyes tampok sa ‘Celebrity Talk Digital TV’

Isa marahil ang inyong lingkod sa nakasubaybay sa paglago ng buhay at negosyo ng beauty czar, TV host at philanthropist na si Ricky Reyes. Mas kilala siya ng lahat bilang si Mader Ricky Reyes dahil sa kanyang penchant na pagiging motherly hindi lamang sa kanyang mga tauhan sa kanyang beauty salon (with about 40 branches nationwide).

Nanay-nanayan din siya ng mga batang may sakit na kanser na kanyang tinutulungan at pinatutuloy sa kanyang pet project, ang ChildHaus. Ito’y isang temporary shelter ng mga batang may sakit na nagmumula sa iba’t ibang probinsya na walang matuluyan habang sila’y nagpapagamot sa Philippine General Hospital at iba pang public hospitals ng Metro Manila.

Wala nang dapat pang patunayan pa si Mader Ricky na nagsimulang mamasukan sa isang ordinaryong parlor noon bilang tagapulot ng mga nahuhulog na hairpins sa sahig at tagawalis ng parlor.

Ang kanyang kinikita noon ay unti-unti niyang itinabi at pagkaraan ng ilang taon ay nagsimula siyang magtayo ng isang maliit na parlor sa San Juan.

Hanggang makapagpatayo siya ng kanyang kauna-una­hang malaking beauty salon along Aurora Blvd. (also in San Juan) at dito na nagsimula ang lalong paglago ng Ricky Reyes Salon. Hanggang pumasok na siya sa mall na kanyang sinimulan sa SM-North EDSA in the 1970’s and the rest ay history nang maituturing.

Hindi lamang sa hair and beauty industry nakilala si Mader Ricky kundi maging sa kawanggawa na kanyang sinimulan sa livelihood project na “Isang Gunting, Isang Suklay”. Umikot ito sa iba’t ibang mga probinsya na nagbigay ng training at kabuha­yan sa mara­ming walang hanap-buhay noon na natutong gumupit, mag-manicure at mag-makeup.

Naniniwala si Mader Ricky na may misyon siya sa buhay kaya ginawa siyang instrumento ng Diyos na makatulong lalo na sa mga batang may sakit na kanser na walang masilungan.

Maging ang kasamahan natin sa panulat at dating pangulo ng Philippine Movie Press Club na si Manay Letty Celi ay kinakalinga ngayon ng ChildHaus.

Abangan ang ating one-on-one interview with Ma­der Ricky sa “Celebrity Talk” online show on Abante Tonite website, Facebook and YouTube channel bukas, araw ng Lunes, 12 noon to 1 pm.