Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Edward nakorner kay Maymay

0 360

Sa online show na Kuwentong Barber sa Kumu n, diretsahang tinanong ni Bea Alonzo si Edward kung masasabi ba niyang never ba siyang na-in love sa perennial screen partner nitong si Maymay Entrata.

Pagbibirong sagot naman ni Edward, hindi raw niyang akalaing may bagong host na ang show dahil ang guest niyang si Bea ang nang-uusisa sa kanya.

Sey pa niya, sa last episode daw niya ay si Maymay ang magiging guest at might as well doon mapag-usapan ito.

Dahil may trabaho raw si Maymay, pre taped daw ang nasabing episode.

Hirit naman ni Bea, ituring na lang daw na teaser ang kanyang pagtatanong sa episode nila ni Maymay.

“I’m gonna leave my answer really simple and really vague. I can not lie,” sey ni Edward.

Tinanong naman ni Bea kung ilang taon na ito at sinagot naman ni Edward na going 21 siya this July.

Feeling kasi ni Bea, marami pang confusion at uncertainties ang young actor sa kanyang edad.

Aniya, pagdating daw ng 30,doon daw ito bumalik sa kanya at mag-usap sila to celebrate his truth.

Ganti naman ni Edward, mag-usap daw sila ni Bea after the show at doon niya ikukumpisal ang lahat.

Sa naturang episode, may pasakalye rin si Edward na parang hindi niya feel makipaghalikan for real sa screen sa babaeng hindi niya itinatangi unless kung dadayain ito sa puting tabing.

Piolo ayaw pang makipagbalikan kay Juday

Nang sumulpot ang mga pangalan nina Piolo Pascual at Jericho Rosales sa possible choices sa Pinoy adaptation ng toprating British TV series na Doctor Foster, marami ang na-excite.

Miss na rin kasi sila ng mga faney dahil matagal na silang hindi napapanood ng mga ito.

Bukod diyan, bagay raw kasi sila sa challenging role ng philandering husband na buong husay na ginampanan nina Bertie Carvel bilang Simon sa “Doctor Foster” at ni Park Hae-joon bilang Lee Tae-oh sa Korean counterpart nitong “The World of the Married.”

Pero, hindi pa ito ang tamang panahon sa balikang Piolo at Juday na proyekto.

May mga feelers ding nakarating na tila naiparating na ito kina Papa P at Echo.

Pero dahil sa pandemya at dahil na rin sa insidente ng naging hawahan sa set ng mga pelikula at teleserye, may mga kibitzers na nagsasabing hindi pa feel umakting ng dalawang actor o magbalik sa paggawa ng mga TV series.

Mas feel daw ng dalawang actor na palipasin muna ang pandemya bago sila magbalik sa pag-arte dahil nasa estado na naman sila ng kanilang karera na wala na silang dapat patunayan pa.

Marahil, puwede nilang tanggapin ang nasabing role pero ang kundisyon nila ay gagawin nila ito pag natapos na ang pandemya.

Ang tanong lang: makapaghintay naman kaya ang produksyon o mag-settle na lang sila sa mga baguhan o lesser names para maitawid ang pinag-uusapang teleserye. O, magpa-audition kaya sila para sa much coveted role ng two-timing husband.

Speaking of Papa P, meron pa naman siyang nasimulang proyekto with Alessandra de Rossi kung saan naidirek siya ng award-winning actress sa kanyang directorial debut.

Leave A Reply

Your email address will not be published.