Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Edzel pinutol 3 olats ng Pagadian

0 210

Pinutol ni Edzel Mag-isa ang bangungot ng niya at Pagadian nang pangunahan ang kampo sa pagwasiwas sa Roxas, 99-82 sa Chooks-to-Go 1st Pilipinas VisMin Super Cup 2021 Mindanao Challenge Miyerkoles sa Zamboanga Del Sur home court.

Hanep na stats ang minarka ni Mag-isa sa likod ng 23 points mula sa 10-of-15 shooting na may rekado pang 13 rebounds at 3 blocks para wakasan ang 3-game lose streak ng Explorers.

Tumulong rin sa ratsada si Glenn Acaylar at Nino Ibañez nang magkamada ng pinagsamang 28 markers para paakyatin ang record ng Explorers sa 3-4.

Kapos naman ang tig-15 puntos nina Marlon Monte at Kentoy Segura sa Vanguards na lumupaypay sa 4-3. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.