Abante Tonite Interactive

Eguilos tinaob ang mga Cebuano

158

Binitbit ng tig-13 points at rebounds ni Jhaymo Eguilos ang Batangas City-Athletics kontra Cebu-Casino Ethyl Alcohol, 68-56, para sa tapusin ang elimination round ng 3rd Chooks-To-Go MPBL Lakan Cup 2019-20 Biyernes ng hapon sa ­Caloocan Sports Center.

Tatlong puntos na lang ang lamang ng ­Batangas kontra Cebu sa huling yugto, pero umeksena si Teytey Teodoro na pinangunahan ang 12-5 bomba para iusog sa 12 puntos ang kalamangan, 70-58, wala nang isang minuto sa game.

Tumapos ang kababalik sa liga na si Teodoro ng krusyal na pitong puntos para ibigay sa Batangas ang 19-11 kartada at fourth spot sa South Division, nilagay ang Cebuanos sa ­15-15 para mapako sa ninth spot at nanganganib malaglag sa ­playoffs.

“It was hard on the first half, but I told my players ‘we have to play like we deserve to be where we are’ that’s just what I told them. Don’t let this slide,” ani Batangueños coach Woody Co.

Walang epekto ang 14 pts. ni Criss Galvez upang punuan sana ang iniwang upuan ni William McAloney. Gayundin ang 13 puntos at 9 rebounds na inambag ni John Saycon upang isalba sana ang Cebu.

Ang iskor:
Batangas City-Athletics (68) — Eguilos 17, Santos 13, Bragais 9, Koga 8, Teodoro 7, Rogado 6, Viernes 3, Salim 3, Grimaldo 2, Melano 0, Lopez 0.

Cebu-Casino Ethyl Alcohol (56) — Galvez 14, Lao 13, Saycon 13, Octobre 6, Nuñez 4, Lee Yu 2, Cortes 2, Mantilla 0, Coronel 0.
Quarters: 15-22, 32-36, 53-48, 68-56. (Aivan Episcope)