Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Egyptian nag-amok, pulis sinakal

0 247

Kalaboso ang isang Egyptian national matapos magwala sa loob ng kanyang condominiun unit, magbasag ng salamin ng bintana at ihagis ito bukod pa sa pananakal sa aarestong pulis kamakalawa sa may Legaspi Tower, P. Ocampo, Malate, Maynila.

Itinurn-over ng Manila Police District-Police Station 9 sa MPD-General Assignment and Investigation Section (GAIS), ang suspek na si Mouatssem Bellah Hassan Y Mohamed, 39, Egyptian, ng Unit 15D-2 15 floor Legaspi Tower.

Naganap ang insidente alas-3:15 ng hapon sa nabanggit na lugar. Humingi umano ng police assistance si Renato Santiago, 42, Building Administrator dahil sa pagwawala ng suspek.

Rumesponde naman sina Pat. Jonas Angat at Pat. Jefferson Lustre Santos at pinuntahan ang suspek.

Sa halip na huminto ay ini-lock ng suspek ang pintuan ng unit at patuloy na nagwala.

Pansamantalang napayapa ang suspek ngunit nang aktong aarestuhin na ay nanlaban ito at sinakal si Santos, na nagawang magapi ng pulisya.

Sinampahan na ng kaso sa Manila Prosecutors Office ang suspek ng Alarm and Scandal, Direct Assault, Resisting Arrest ar Malicious Mischief.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.