Abante Tonite Interactive

Eh kasi nga ‘big bird’

BLIND SIDE

1,195

Naglalaro pa lamang sa kolehiyo si player ay marami na ritong nagkakagusto na mga babae pati na rin mga fafa.

Ito ay dahil hindi lamang guwapo at moreno ang player kundi dahil kapwa malaki ang mga palad at pati na rin bird.

Minsan na nagkakuwentuhan ang mga kapwa nito mga player sa isang All-Star Game ay napag-usapan nila kung sino-sino ang mga kasamahan nila na sadyang biniyayaan ng hinahangad na katulad kay Totoy Mola.

“Kung gaano kalalaki ang mga daliri niya para daklutin ang bola, gayundin kalaki ang pang-shoot niya,” sabi ng isa sa mga nagkukuwentuhan na lubhang ikinahagalpak ng malakas na tawanan ng buong grupo.

“Isipin mo kung gaano kahaba ang kanyang mga daliri paa mahawakan ng buo at isang kamay lamang ang bola. Gayun din ang makikita mo sa kanya,” sabi pa ng nagkukuwentong player.

Minsan nang naging punto ng usapan si player dahil sa pagiging sobrang malapit nito sa isang artista na paborito na makaibigan ang mga basketball player. Hindi din ito nakaligtas sa ilang mga miyembro ng ikatlong kasarian bago ito tuluyang nakulong sa hawla ng kanyang napangasawa .

Eh kasi, “Big Bird.”