Ehemplo ni PDu30 sundan at magsabatas na ng FOI 

151

Isang hudyat sa Kongreso para magkasundo at magpasa ng batas na magsisilbing sandigan ng magandang pamamahala at laban sa korapsyon ng administrasyong Duterte ang executive order na magpapairal ng Freedom of Information (FOI) sa lahat ng executive office ng  gobyerno.

Pinuri ni BIBLEMODE president at dating mam­babatas ng Maynila Benny Abante, na siyang may akda sa FOI bill sa ika-13 Kongreso taong 2010, si Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa kanyang matapang na hakbang na unahan na ang Kongreso sa pag-implementa ng FOI bill na magpapalawig ng transparency, accounta­bility at citizen participation sa pamamahala ng bansa.

“Sinimulan na ng ehekutibo ang FOI sa lahat ng transaksyon ng pamahalaan, napapanahon na rin para sa mga nahalal na mga mambabatas na sundan ang ehemplo ng Pangulo at magsabatas ng isang FOI na magpapalaganap ng bukas at walang itinatagong transaksyon sa lahat ng sangay ng pamahalaan,” ani Abante na kumantyaw din sa mga dating kasamahan sa Kongreso dahil sa kanilang kabiguan at kawalan ng ‘political will’ na isulong ang FOI. “Madami ma­lamang silang itinatago,” sundot pa nito.

Tonite – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...