Abante Tonite Interactive

Eid’l Fitr: Mayo 25 dineklarang national holiday

0 313

Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang regular holiday sa buong bansa ang Mayo 25, Lunes, para sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr ng mga kapatid na Muslim.

Ang Eid’l Fitr ay ipinagdiriwang ng mga Muslim sa buong mundo sa loob ng tatlong araw pagkatapos ng Ramadan.

Batay sa Proclamation No. 944, nirekomenda ng National Commission on Muslim Filipinos na ideklarang national holiday ang Mayo 25.

“The entire Filipino nation should have the full opportunity to join their Muslim brothers and sisters in peace and harmony in the observance and celebration of Eid’l Fitr, subject to existing community quarantine and social distancing measures,” pahayag ni Pangulong Duterte.

Nilagdaan ng Pangulo ang nasabing proklamasyon nitong Martes, Mayo 19. (Prince Golez)

Tonite – Wendys Inhouse Ad