Abante Tonite
Mabilis sa Balita

EJ asar sa sarili

0 186

HINDI kuntento si Filipino pole vaulter Ernest John Obiena sa kanyang silver medal finish sa nakalipas na 13th Triveneto International Meeting.

Lumundag siya ng 5.45 metro sa ilalim ng 5.50m ni gold medal winner Thiago Braz ng Brazil.

Kaya balak nitong sumalang ulit sa dalawang online pole vault competition ngayong buwan bilang preparasyon na rin sa 2020 Tokyo Olympics na naurong sa susunod na taon.

“I was really rusty and I was really out of the zone of the usual competition,” anang 24-year old athlete.

“I wasn’t really clicking and I made a lot of wrong adjustments.”

Bukod kay Obiena, ang ibang Pinoy na nakakuha na ng slot sa Tokyo Olympics ay sina gymnast Carlos Edriel Yulo at mga boxer na sina Eumir Felix Marcial.

Suportado sila ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni chairman William ‘Butch’ Ramirez. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.