Abante Tonite
Mabilis sa Balita

EJ kumpiyansa sa Olympic gold

0 109

Kung si 2020 Tokyo Summer Games-bound Ernest John ‘EJ’ Obiena ang tatanungin, naniniwala siyang masasabayan niya ang mga mahuhusay na pole vaulter sa mundo upang masungkit ang unang Olympic gold medal ng ‘Pinas sapul noong 1924.

Tadtad ng podium finishes ang 25-year-old, 6-foot-2 at Tondo, Manila native at top bet ng Philippine Athletics Track and Field (PATAFA) sa kanyang mga nakaraang buwan sa mga paligsahan sa Europe:

Gold sa sa 59th Golden Spike sa Ostrava, Czech Republic, ISTAF Indoor Athletics Meet sa Berlin, Germany, at sa PSD Bank Indoor Meeting sa Dormunt, Germany; silver sa 2021 Orlen Cup sa Lodz, Poland at bronze sa 2021 Copernicus Cup sa Torun, Poland.

“I think that I have the best of all the chances I (had) all throughout the years. I’m in a position where I know I can compete with the best of the best. I think that’s something that my coach has imparted to me and we have worked for,” siwalat ng reigning Universiade, Asian at Southeast Asian Games champ sa ‘Power & Play’ ni former PBA commissioner Noli Eala nitong Sabado.

Dugtong pa niyang nakatulong sa kanya ang pagkaantala ng quadrennial sportsfest sa parating na July kaysa sa July 2020 sanhi ng Covid-19 dahil sa naiangat niya ang kanyang taktika sa bilis at lakas na nagpabuti ng tsansa niya sa gold. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.