Abante Tonite
Mabilis sa Balita

EJ lulundagin ginto sa Hanoi

0 38

KAHIT na dumaan sa halos 24 oras na biyahe mula Formia, Italy patungong Vietnam, walang humpay pa rin sa pagte-training si Asia’s top pole vaulter at Tokyo Olympian Ernest John Obiena para sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam na opisyal nang nagsimula kagabi.

Isa sa mga unang ginawa ni Obiena nang lumapag ito sa kanyang hotel ay magsagawa ng light training sa weight room ng Daewoo Hotel gym.

“It was a long journey, but okay overall,” litanya ni Obiena, nagsilbing flag-bearer ng bansa sa open8ng ceremonies, na plano rin umano na mag-ensayo ngayon, Biyernes, sa My Dinh National Stadium.

“I hope I get clearance to feel the venue,” wika pa ng 26-year-old pole vaulter na may Philippine at Asian best record na 5.91 meters na kanyang naitala noong Agosto 2021 sa Meeting de Paris.

Noong 30th edition ng SEA Games taong 2019, nasungkit ni Obiena ang gintong medalya matapos makapagtala ng 5.45 meters. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.