Abante Tonite
Mabilis sa Balita

EJ Obiena gusto timeout sa ensayo

0 169

ATAT nang umuwi sa Pilipinas si pole vaulter Ernest John Obiena dahil nami-miss na nito ang kanyang pamilya.

Kasalukuyang nasa training camp sa Formia, Italy si Obiena, nagsasanay ito para paghandaan ang 2020 Olympic Games sa Tokyo, Japan na naurong sa susunod na taon.

Huling nasa bansa si Obiena noong Disyembre 2019, sumikwat muna ito ng gold medal sa 30th Southeast Asian Games bago lumisan patungong Italy.

SM food to go Banner Ad

“It’s just me who just really wanna go home. I miss my family,” hayag ni Obiena.

Samantala, pinoproblema naman ni Obiena ang kanyang visa extension para manatili sa training camp sa Italy.

Sinabi naman ni PSC Chief of Staff at PSI National Training Director Marc Edward Velasco na kakausapin nila ang Italian Embassy sa Manila para matulungan si Obiena. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.