Abante Tonite
Mabilis sa Balita

EJ suportado ng pamilya

0 92

IPINADAMA ng pamilya ni University of Santo Tomas volleyball player Ennajie Laure ang pagsuporta matapos ipakita ang isang video na ikinatutuwa ng lahat at mistulang bida ang batang si Scarlet sa social media na Facebook.

Isang video post sa FB account na Eddie-Jovie Laure, na mga magulang ng kapwa volleyball player na sina Ennajie at Eya, ang makikitang masayang-masaya ang pamilya kasama ang ipinakita kamakalawa na batang si Scarlet.

Matatandaan na tuluyang inilantad nina EJ at nobyo nito na si Bugoy Carino ang bunga ng kanilang pagmamahalan matapos magselebra ng kanyang ika-18 taong kaarawan.

Una nang itinago ni EJ ang kanyang pagbubuntis habang idinahilan ang career threatening shoulder injury bilang dahilan ng kanyang hindi paglalaro sa nakalipas na dalawang taon para sa Growling Tigresses.

Minarapat naman ng pamilya na manahimik at hindi na lamang magkomento sa hindi pag-reply at pag-react sa post nito sa FB. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.