Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ejay excited sa Viva

0 196

NI: ROLDAN CASTRO

Excited si Ejay Fontanilla sa mga proyektong gagawin niya sa bakuran ng Viva. Kakapirma lang niya ng kontrata sa Viva Artist Agency.

Hawak siya ni Veronique del Rosario-Corpus. Co-manager ang Viva Hot Babe na si Maricar dela Fuente.

Tinulungan siya ni Maricar dahil nabitin ang career niya san biglang pagpanaw ng dati niyang manager na si Vic Naynes.

“Nakakaiyak. Kasi ang dami niyang plano for me, launching, series . Kaso, naudlot lahat nu’ng mawala siya ng March , 2021. Na-depress talaga ako,” sambit ni Ejay.

Anyway, character actor ang tinutumbok niyang career.

SM food to go Banner Ad

“Kahit maliit ang boses ko, nalalaro ko ang role. Any role will do,” sambit niya.

Samantala, uuwi sa Cebu si Ejay ngayong December 30. Apektado rin siya ng bagyong Odette.

“Di ko alam paano ako mag-react sa bahay namin na affected din kay Odette. May part ng bahay namin na natanggalan ng haligi. At sira talaga,” malungkot niyang pahayag.

“Di nga ako makapag-concentrate habang nagsa- sign ng contract. Iniisip ko kasi ang bahay namin sa Cebu ,” sey pa niya.

Si Ejay ay pinangaralan kamakailan bilang isa sa Philippine Faces of Success 2021.

Proud din siyang ambassador ng Perfume Dessert London na ang CEO at owner ay si Ced Evangelista.

Leave A Reply

Your email address will not be published.