Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ejay palaban sa PBB

0 216

NI: ROLDAN CASTRO

Seryoso sa pangangampanya ang aktor, commercial model at streamer na si Ejay Fontanilla sa Kumu.

Ito’y para makasama sa bagong batch na papasok sa Pinoy Big Brother.

Bakit bet niyang tumira sa bahay ni Kuya?

“Ever since, 15 years old pa ako at nasa Cebu ‘yun lang talaga ang pinangarap ko,” bungad niya.

“Lahat ng audition ng PBB sa Cebu, wala akong pinalampas. Dumating sa point na nagka-depression ako dahil hindi ako nakukuha. ‘Yung tipong 2 days akong umiiyak, gusto ko mapag-isa at wala akong ganang kumain. Kasi nag-expect ako.

“Until I got the hardest decision in my life na pagdating ng 20 years old. Pag hindi ako makuha sa audition, pupunta ako sa Manila. Kahit wala akong kakilala. Hayun, nakipagsapalaran pa rin ako. Hanggang ngayon , umaasa pa rin ako na makakapasok sa PBB,” sambit ni Ejay.

Sey pa niya, marami raw siyang kuwento sa buhay na puwedeng kapulutan ng aral . Siya raw ‘yung nangangarap at hindi sumusuko sa lahat ng hamon sa buhay.

Ano ang memorableng istorya ng kanyang buhay?

“Marami po.Nu’ng high school, wala akong matinong sapatos pag pumapasok Tapos may PE kami nun ,50 meter sprint.Paunahan kami nung classmate ko..nTapos pagtakbo ko,nauna ‘yung apakan ng sapatos ko sa finish line. Di ko alam kung iiyak o tatawa ako.Nakapaa ako pauwi ng bahay. Pero, hindi ako natinag, fight lang,” pakli niya.

Kamakailan pinarangalan si Ejay bilang isa sa Philippine Faces of Success 2021.

Proud din siyang ambassador ng Perfume Dessert London na ang CEO at owner ay si Ced Evangelista.

Paano siya naka-survive habang pandemic?

“Bago mag-pandemic naging brand ambassador ako ng Perfume Dessert. Kinuha nila ako as home based. Kinuha nila ako para di na ako mag-rent. Sa kanila ako nag-stay since May 2020. Pagpasok ng pandemic ang daming nawala na work ,movie, series and tv project. Pero nandiyan ang PD Family na i-guide ako. Naka-support sila sa akin. Kahit papano may maipadala ako sa parents ko sa Cebu,” lahad pa ni Ejay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.