Abante Tonite Interactive

EJK sa ‘Pinas pinulitika ng AI — Palasyo

0 207

Hindi kailangan ng Pilipinas ang tulong ng Amnesty International (AI) kaugnay sa paglutas sa isyu ng umano’y mga extrajudicial killing sa bansa.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa harap ng panawagan ng London-based human rights organization sa United Nations (UN) na im­bestigahan ang patuloy umanong mga extrajudicial kil­ling sa Pilipinas.

Sinabi ni Panelo na mayroong sariling grupong umaa­siste sa pamilya ng mga biktima ng umano’y pagpatay kayat hindi dapat na nakikialam ang AI sa panloob na usapin ng bansa.

“Let our own group assist our own Filipinos. We don’t need them. We have a battery of human rights activist in this country. We don’t need interference from any other human rights group,” ani Panelo.

Sinabi ng kalihim na wala sa ayos ang AI para manawagan sa UN dahil walang basehan ang kanilang akusasyon sa gobyerno at pinupolitika ang isyu ng mga extrajudicial killing sa bansa.

Inakusahan ni Panelo ang AI na hindi patas dahil naniniwala ang mga ito sa mga palutang ng oposisyon at mga kritiko sa halip na tingnan ang totoong record ng Philippine National Police (PNP).

Nauna rito ay iginiit ng AI sa UN na mag-imbestiga na sa nagaganap na patayan sa Pilipinas dahil naabot na umano ang batayan para maituring itong ‘crime against humanity’.

Bulacan ‘epicenter’ ng EJK
Iginiit pa ng AI na naging ‘killing fields’ na ang Bulacan o ‘epicenter’ ng mga extrajudicial kil­ling matapos na ilipat sa na­sabing lalawigan ang mga opisyal ng PNP na sangkot sa inilunsad na drug war sa Metro Manila.

Nabatid sa AI na noong Abril 2019 ay 20 drug-related ca­ses ang kanilang siniyasat sa Bulacan kung saan 27 katao ang nasawi. Lumalabas umano na karamihan sa mga napatay ay galing sa mahihirap na pamayanan at naganap ito sa pagitan ng Mayo 2018 hanggang Abril 2019. (Aileen Taliping/Juliet de Loza-Cudia)