Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ekonomiya dadapa sa pandemya – Drilon

0 392

Magkaroon ng recession sa Pilipinas na minsang tinaguriang ‘Asia’s rising tiger’, ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, at magiging krusyal aniya ang susunod na anim na buwan sa paglatag ng programa para sa economic recovery ng bansa.

Ginawa ni Drilon ang pahayag kasabay nang pagsabing sumablay ang istratehiya ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa kanilang laban kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ayon kay Drilon, bigo ang IATF na tugunan ang lumalalang health crisis at ang epekto nito sa lumolobong kawalan ng trabaho at kagutuman na tumama sa 5.2 pamilya sa gitna ng pandemya.

“The IATF has failed. Let’s call a spade a spade. Look at where we are today: 70,764 Filipinos were affected as of yesterday, deaths running to 1,837, 5 million of our people unemployed, 40 percent of our MSMEs closed, and, the worst, 5.2 million Filipino families suffered hunger in the past three months,” pahayag ni Drilon sa panayam sa telebisyon.

Hindi rin rin aniya nakakatulong si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III dahil kulang ito sa kredibilidad para pagalawin ang kanyang mga tao.

“He cannot influence decisions,” sabi ni Drilon.

Ayon pa kay Drilon, nahaharap ang ekonomiya sa isang recession dahil sa inaasahang pagbagsak nit sa unang dalawang quarter ng taon.

Bumagsak umano sa 0.2% ang ekonomiya ng bansa sa unang quarter at inaasahang dadapa pa ng husto sa ikalawang quarter.

Inilarawan ng mga ekonomista ang recession bilang pagbagsak ng ekonomiya sa unang dalawang magkasunod na quarter sa isang taon.

“This means that the next six months will be a question of how to survive. They say that to survive in today’s situation is already a success. We must be able to survive so that we can set the stage for economic recovery,” paliwanag ni Drilon. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.