Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ekonomiya pokus ng constitution reform – Garbin

0 67

Pursigido ang Kamara na muling buhayin ang usapin ng charter change (chacha), kasunod ng inihaing resolusyon ni Speaker Lord Allan Velasco na humihiling para amyendahan ang probisyon sa Saligang Batas.

Ito’y may kinalaman sa limitasyon ng foreign ownership sa bansa partikular pagdating sa pagmamay-ari at pamamahala ng mass media, public utility, educational institution, investment at capital ng mga foreign investor.

Siniguro naman ni Committee on Constitutional Reform Chairman Alfredo Garbin na sesentro lamang ang usapin sa mga restrictive economic provision ng saligang batas at nakatakda silang magsagawa ng pagdinig ukol dito sa Enero 13.

SM food to go Banner Ad

“Ours is a 33-yearold Constitution and if you look at the restrictive economic provisions, we’re lagging behind—foreign direct investments. So sabi ni Speaker, para makatulong tayo sa ekonomiya and also for the provisions of the Constitution to be responsive to the needs of time then we need to look into it,” ayon kay Garbin.

Naniniwala si Garbin na ito na ang tamang pagkakataon matapos na itulak na rin ng Senado ang pag-convene ng Kongreso para sa chacha.

Ngunit para kay Anakalusugan Rep. Mike Defensor, bagama’t suportado niya ang chacha, malabo itong uusad dahil sa kinkaharap pang pandemya ng bansa.

“I am for it, but the question is timing, and today, while we are still battling the Covid-19 pandemic and not achieving much success, is not the right time,” ayon Kay Defensor. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.