Abante Tonite Interactive

El Nido isasara rin kung hindi susunod sa batas

By
112

Nagbabala si Tou­rism Secretary Berna Puyat na hindi sila mangingiming ipasara ang El Nido sa Palawan kung hindi tatalima sa kautusan ukol sa easement zone.

Ang babala ay ginawa ni Puyat matapos isnabin ng lokal na pamahalaan ang kanilang unang direktiba na baklasin ang mga iligal na istraktura na nasa loob ng 30 meter easement zone.

Ani Puyat, hiningan na niya ng paliwanag ang lokal na pamahalaan ukol sa mga pag­labag sa mga batas na may kinalaman sa ­turismo.

Sa kanyang pagtungo sa El Nido, napansin umano ni Puyat na hindi ipinatutupad dito ang easement zone dahil sa lantarang pagtatapon ng basura sa lagoon ng mga bangkang pang-turista at ang hindi pagsunod sa ordinansa sa single plastic use.

Dalawang beses na umanong sinulatan ni Puyat ang lokal na opisyal sa nasabing isyu subalit nagmistulang seen zone lang umano siya dahil walang natanggap na anumang feedback mula rito.