Abante Tonite
Mabilis sa Balita

ELCAC tumangging pang-eleksiyon ang 2022 pondo

0 64

MARIING pinabulaanan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga maling paratang ng Makabayan Bloc at iba pang mga kritiko na ang budget para sa Barangay Development Program (BDP) ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay gagamitin sa eleksiyon sa susunod na taon.

Upang patunayan na fake news ang kumakalat, inihayag ni Director Monico Batle, Action Officer ng NTF-ELCAC para sa BDP, na ang sino man ay maaaring suriin ang mga kalagayan ng mga proyekto.

Siniguro rin ng opisyal na ang 2022 budget ng Task Force ay talagang gugugulin sa mga barangay na nalinis na sa mga komunistang-terorista gaya ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Mahirap gamitin yan sa eleksiyon. Unang una mayroon tayong mga rules, meron tayong monitoring system. Local level at national level, lalong lalo na po yung DILG. Sa national level sa NTF-ELCAC meron din po. Kaya nga po medyo may delay ng kaunti dahil yun ating procurement law gaya ng R.A. 9184 (Goverment Procurement Reform Act) ay marami po siyang procedure na sinusunod. At maingat ang ating mga LCEs (local chief executives) otherwise makukulong sila kapag ‘yan ay ginamit nila sa ibang purpose,” paliwanag ni Batle sa lingguhang ‘virtual’ na balitaan ng NTF-ELCAC nitong Lunes.

“Rest assured naka-set ang regulations… ang budget..ay mapupunta sa mga projects at di pwedeng mapunta sa ibang bagay,” dagdag pa ni Batle.

Sinabi ni Batle na ang BDP budget na P16.44 para sa taon na ito ay mahigit ng P12 bilyon ang nailaan para sa pagpapagawa ng mga farm-to-market roads.

Leave A Reply

Your email address will not be published.