Abante Tonite Interactive

Eleazar aminadong talamak pa ang shabu sa Metro Manila

By
0 341

Inamin kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) director Chief Supt. Guillermo Eleazar na nakakapasok pa rin sa Metro Manila ang malaking supply ng iligal na droga pero patuloy na tinutugunan ng mga awtoridad ang problemang ito.

Sinabi ito ni Eleazar kaugnay na rin ng pahayag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Gene­ral Aaron Aquino na talamak pa rin ang shabu sa Metro Manila.

Sa kabila nito, naniniwala naman si Eleazar na nagtatagumpay ang kampan­ya ng administrasyon laban sa droga.
Binanggit ni Eleazar na mula nang ilunsad ang pinaigting na kampanya laban sa droga ay nasa 50,000 mga suspek na ang kanilang naaresto at mala­king ang naitulong nito para mabawasan ng 49% ang mga krimen sa Metro Manila na may kinalaman sa droga.

Abante Hiring – IT dep

Samantala, sa panayam ng isang himpilan ng radyo kay Philippine National Police (PNP) Director General Oscar Albayalde kahapon, sinabi nito na posibleng kaya bumabaha pa rin ang shabu sa Metro Manila ay dahil wala nang bumibili nito.

Patunay aniya dito ang mahigit 1.5 milyong adik na sumuko sa gobyerno mula nang ilunsad ang kampanya kontra droga pag-upo ng administrasyon noong 2016.