Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eleazar binalasa 3 PNP post

0 483

Inutos ng bagong Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar ang pagbabalasa tatlong matataas na pwesto sa Command Group.

Itinalaga ni Eleazar si Lt. Gen. Joselito Vera Cruz bilang deputy chief for administration, ang pangalawang pinakamataas na puwesto sa PNP.

Papalitan ni Lt. Gen. Ephraim Dickson, ang chief directorial staff, si Vera Cruz bilang deputy chief for operations, kayat naging ikatlo siyang pinakamataas na opisyal.

Si Lt. Gen. Dionardo Carlos naman ang uupo kapalit ni Dickson.

Inilipat naman ni Eleazar si Maj. Gen. Rolando Hinanay mula sa Civil Security Group (CSG) patungo sa Directorate for Personnel and Records Management (DPRM).

Epektibo ang balasahan nitong Sabado, Mayo 8. (Kiko Cueto/Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.