Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Eleazar ilalarga reporma sa PNP

0 746

Kumpiyansa ang Malacañang na ipagpapatuloy ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang mga reporma at inisyatibang sinimulan ng mga dating opisyal ng Philippine National Police (PNP) para sa mas mahusay na organisasyon nito.

Inihayag ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque matapos ang anunsiyo nitong Miyerkoles ng hapon na hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte si Eleazar bilang kapalit ni PNP chief Gen. Debold Sinas na nakatakdang magretiro sa Sabado, Mayo 8.

Sinabi ng kalihim na ang track record ni Eleazar ang naging batayan para ilagay ito sa pinakamataas na puwesto sa PNP.

“Gen. Eleazar’s track record of professionalism, dedication and integrity speaks for itself. We are therefore confident that he will continue the reform initiatives of his predecessors and lead the police organization to greater heights,” dagdag ni Roque.

Mayroong anim na buwan si Eleazar para magsilbing PNP chief bago ito magretiro sa serbisyo sa Nobyembre 13, 2021.

Samantala, nagpasalamat naman si Eleazar sa pagkakahirang sa kanya bilang kapalit ni Sinas at tinanggap nito ang hamon para pamunuan ang PNP.

“To be appointed as the Chief PNP is a rare opportunity, but come with the challenges of good leadership and meeting the high expectations of the Filipino people,” pahayag ni Eleazar.

Bukod kay Pangulong Duterte ay nagpasalamat din si Eleazar kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año dahil sa paniniwala umano sa kanyang kakayahan na pamunuan ang PNP. (Aileen Taliping/Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.